ANG TATAY KONG MAGSASAKA


Naaalala ko pa nang ako ay bata pa kung paano kami binuhah ng aking ama sa pamamagitan ng maghapon na pagtatrabaho sa bukid..Hanggang sa ngayon ay sariwang sariwa ang mga alaala ng kasipagan ng aking ama.
Nasa 7 taong gulang ako noon nang magsimula magkaisip,mamulat sa hirap ng buhay, yung tipong ang kakainin ng buong pamilya namin ay nalasalalay sa pagsasaka o pangingisda ng aking ama katuwang ang aking ina. Sa murang isip ay dama kung gaano kahirap ang trabaho ng aking mga magulang lalo na at may iniimdang sakit ang aking ama( Hika/asthma).
Tandang ko ang mga gabi kapag inaatake ang aking ama ng sakit nya ay hndi halos kami nakakatulog sa dahilan na abot abot ang paghinga ni ama na ang hininga nya ay halos dinig sa kapit bahay.Ipinagdadasal ko lagi noon na sana ako na lang ang may sakit na ganon para hindi na sya nahihirapan.At alam nyo ba na pag ok na sya kinabukasan ay tuloy nanaman ang pakikipagtunggali sa kahirapan.Patuloy nanaman ang pagtatrabaho nya sa bukid.
Araw araw na ginawa ng Diyos ay ganon ang akin nakikita ang paghihirap sa trabaho ni ama.Isa lang ang nasa isip ko...Magaaral akong mabuti para maiahon ko ang pamilya ko sa hirap...
Habang nag aaral ako sa elementarya ay nagsisikap ako na magkakuha ng mataas na marka at inspirasyon ko ang aking Ama at Ina...at sa tulong ng Diyos ay hindi ako nabigo.Nagtapos ang ng elementary na may karangalan..ang isang VALEDICTORIAN.
Kitangkita ko ang saya ng aking mga magulang.Ngunit sa kabila mg saya ay nakikita ko sa kanilang mga mata ang pag aalinlangan kung mapapag aral pa nila ako hanggang sa mataas na paaran o highschool dahil ng mga panahon na yun ang aking ate at kuya ay kapwa nag aaral din.Bigla ako nalungkot sa nadaramang pag aalala ng aking mga magulang.
Dumatinng na ang enrollment para sa highschool.Tandang tanda ko ang pagbebenta ng aking ama ng ilang kaban n palay para ipambilo ng mga gamit ko sa school at aming uniporme.Maswerte ako dahil sa valedictorian ako nang elementary kaya libre ako ng aking matrikula.At nag simula na nga ang pasukan..Kahit sa sobrang layo ng aming nilalakad makapasok lang sige lng labang lang.Ang paaralan namin noon ay sa kabilang baryo pa at ilang bundok ang aming sinusuong sa araw araw para makapasok lang.Kahit tsinelas ay nahihiya ako humingi ng pambili sa aking Ina dhil wala pang isang buwan pudpud kaagad ang aming tsinelas dhl sa layo ng nilalakad.Lagi kong ipinapangako.magaaral ako mabuti para kahit ilang Tsines ay aking mabili..at lumipas ang mga taon hndi ko binigo ang aking mga magulang nagtapos nanaman ako ng mga karangalan.Hindi ko malilimutan ang aking ama na sya nagsasabit ng aking medalya.Na hindi na umaalis ang aking ama sa entablado upang maisabit sa akin ang medalya..at hindi ka maniniwala.,nasira ang sapatos ni ama nang gabing yun dahil sa sobrang daming beses umakyat ng entablado..Sobrang saya ko ng gabing yun at kita ko rin sa aking mga magulang ang may pagmamalaki at sobrang ligaya..Tanging nasabi ko noon..Para sa inyo ang Ama at ina at aking mga kapatid ang karangalan na yun..Ngunit hindi pa tapos ang laban dahil nandyan pa ang lalong malaki ang halagang kailang ang Kolehiyo............ITUTULOY


Comments