Posts

Showing posts from August, 2017
Image
ANG TATAY KONG MAGSASAKA Naaalala ko pa nang ako ay bata pa kung paano kami binuhah ng aking ama sa pamamagitan ng maghapon na pagtatrabaho sa bukid..Hanggang sa ngayon ay sariwang sariwa ang mga alaala ng kasipagan ng aking ama. Nasa 7 taong gulang ako noon nang magsimula magkaisip,mamulat sa hirap ng buhay, yung tipong ang kakainin ng buong pamilya namin ay nalasalalay sa pagsasaka o pangingisda ng aking ama katuwang ang aking ina. Sa murang isip ay dama kung gaano kahirap ang trabaho ng aking mga magulang lalo na at may iniimdang sakit ang aking ama( Hika/asthma). Tandang ko ang mga gabi kapag inaatake ang aking ama ng sakit nya ay hndi halos kami nakakatulog sa dahilan na abot abot ang paghinga ni ama na ang hininga nya ay halos dinig sa kapit bahay.Ipinagdadasal ko lagi noon na sana ako na lang ang may sakit na ganon para hindi na sya nahihirapan.At alam nyo ba na pag ok na sya kinabukasan ay tuloy nanaman ang pakikipagtunggali sa kahirapan.Patuloy nanaman ang pagtatrabaho...